Sumuko na ang pangunahing suspek sa kambal na pagsabog sa isang katedral sa Jolo, Sulu noong Enero Enero 27.
“Napilitan” umanong sumuko sa mga awtoridad ang suspek sa kalagitnaan ng mga ikinasang pursuit operation ng mga awtoridad, inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.
Inisyal na sumuko si Kammah Pae alias “Kammah”, nasa hustong edad, sa 35th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army nitong Sabado bago siya dinala sa pulisya sa Jolo, Sulu, lahad ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde.
Ayon pa kay Albayalde, pagkatapos umanong sumuko ni Kammah ay sunud-sunod na ring nalabasan at sumuko ang apat nitong kasamahan sa iba’t ibang local police unit sa Sulu nitong Linggo.
Kinilala ang mga suspek na sina Albaji Kisae Gadjali alias Awag, dalawang anak nito na sina Rajan Bakil alias Radjan at Kaisar Bakil alias Isal, na sinasabing bomb-maker; at si Salit Alih alias Papong.
-MARTIN A. SADONGDONG