DALAWA pang final rounds ang ilalarga ngayon sa 2019 World Slasher Cup 9 -Cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Matapos bitiwan kahapon ang unang 4 -cock finals (2, 2.5, 3 at 3.5 points), ang mga palabang may parehong iskor ang papagitna ngayon at magbibigay ng dekalidad na sultadahan.

Ilan sa mga nakipagsalpukan nitong Linggo ang Bulldog Feb. 8 Pasay, EVGF Oliver, Utol C3, Winstar, Florenda 4 -Cock Mar. 7, Triple J Farm, Gas Farm Cabanatuan, Oliver Dhee 2, Viva Kapata Double A BMY, Arayat, SMC Circuit 2019, Hustler, Baruko, M3 A6NB, Ripper 59 Sinag, Little Prince Risk Taker, Roan Blades of Glory, T1, Yellow Rose at Macking Rolly.

Kasali sa 4-cock finals ngayon ang mga kalahok na may 2, 2.5, 3 at 3.5 puntos..

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Sa Miyerkules, Feb. 6 (grand finals) ang laban ng may 4, 4.5 at 5 points at dito malalaman ang kampeon.

May 37 grand finalists ang sasagupa sa Miyerkules sa pangunguna nina Elmer Stokwa ng Guam, Jomel Gatlabayan at RGBA Friends, Team Alcala, A. Bernos ng Abra at CPB and Cris entry.

Umiskor ng 4.5 puntos sina Belle Almojera ng Florida, USA at Santi Sierra ng Cebu habang 30 ang may 4 na panalo, kabilang sina dating WSC champions Nene Araneta at Biboy Enriquez.

Itinataguyod ang World Slasher Cup ni Pitgames media CEO Manny Berbano, ang host ng Pintakasi of Champions.

Kabilang sa mga sumusuporta ang Thunderbird, Emperador, Powertrac, Pitgames Media Inc. at Sabong Pilipinas. Isang 32’ LED TV mula sa Powertrac ang ibigay sa raffle.

Pasok na sa grand finals: Team Alcala (5 points), Doc Belle Almojera ng Florida, USA (4.5 points), Nene Araneta, defending champion Patrick Antonio, Marvin Rillo, 2018 WSC 2 champ Rey Briones , Eman Fiscalizer, Team Alcala, Jimmy Junsay, CPB Hawaii 2, Itoy Sison at Ronnel Pasia ng Team Sagupaan.