Dalawang katao ang nasawi nang masunog ang nasa 300 bahay sa Cainta, Rizal, nitong Linggo ng gabi.
Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nakilala ang mga nasawi na sina Maria Refol Cabucas, 81, at John Bell Lorenzo, 26, kapwa taga-Barangay Sto. Domingo sa nabanggit na bayan.
Sinabi ni Fire Senior Insp. Erichson Malamig, ng BFP, halos hindi na makilala ang bangkay ng dalawa dahil sa matinding pagkakasunog.
Unang natagpuan ang bangkay ni Cabucas kamakalawa habang nadiskubre naman ang bangkay ni Lorenzo, kahapon ng umaga.
Natutulog na aniya dalawa nang sumiklab ang sunog sa 3rd St., San Buena compound, dakong 5:05 ng hapon.
Mabilis na kumalat ang apoy sa Gruar Subdivision na ikinaabo ng bahay ng 800 pamilya.
Pansamantalang umookupa sa covered court ng Barangay Sto. Domingo ang mga lumikas.
Kaagad namang nangako ang pamahalaang lokal ng Cainta na aayudahan nila ang mga residente upang makapagpatayo muli ng kanilang bahay.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.
-Fer Taboy at Mary Ann Santiago