Pelicans, ‘di kumbinsido sa alok na limang player ng Lakers para kay Davis

NEW ORLEANS – Hindi kumbinsido ang pamunuan ng New Orleans sa alok ng Los Angeles Lakers.

NAGAWANG makaiskor ni Luka Doncic ng Dallas sa harap ng depensa ni Filipino-American guard Jordan Clarkson ng Cleveland sa krusyal na sandali ng kanilang laro sa NBA. (AP)

NAGAWANG makaiskor ni Luka Doncic ng Dallas sa harap ng depensa ni Filipino-American guard Jordan Clarkson ng Cleveland sa krusyal na sandali ng kanilang laro sa NBA. (AP)

Ilang araw bago mapaso ang trade deadline sa Huwebes (Biyernes sa Manila), wala pang tugon ang Pelicans management sa proposal ng Lakers upang bitiwan ang nagnanais ma-trade na si Anthony Davis.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Idinagdag ng Lakers ang first-round pick sa 2019 draft, at ang mga beteranong guard na sina Rajon Rondo at Michael Beasley bilang dagdag sa inisyal na alok na ibibigay ang sumisikat na si Kuzma at Lonzo Ball.

Ngunit, tila tumaas lamang ang kilay ng Pelicans management.

Tahasan ang pagnanais ni Davis na ma-trade matapos mabalewala ang lahat ng kanyang sakrispisyo at galing dahil nananatiling laglag sa playoff ang Pelicans.

Nais niyang makalaro sa isang championship contender na koponan at handa ang Lakers, pinangungunahan ni LeBron James, na buksan ang pinto ng oportunidad para sa 25-anyos power forward.

Nauna nang pinagmulta ng NBA si Davis ng UD$50,000 bunsod nang pahayag na isinapupliko ng kanyang ahente.

Bukas din sa negosasyon ang Boston, ngunit tahasang ipinahayag ng ama ni Davis na hindi niya papayagang makapaglaro ang anak sa Celtics.

Samantala, sa New York, maayos ang naging usapan para sa paglipat ni Kristaps Porzingis sa Dallas Mavericks.

Tampok na player si Porzingis sa seven-palyer deal sa pagitan ng Knicks at Mavs.

“As is standard for this time of year, we were exploring various options on potential trades,” pahayag ni Knicks general manager Scott Perry. “Considering the uncertainty regarding Kristaps’ free agent status and his request today to be traded, we made a trade that we are confident improves the franchise.”

Kasalukuyang nagpapagaling si Porzingis sa tinamong injury (ACL).

Nakuha ng New York sa trade sina Dennis Smith Jr., DeAndre Jordan, Wesley Matthews at dalawang future draft pick. Kasama naman ni Porzingis sa Dallas sina guards Tim Hardaway Jr., Trey Burke at Courtney Lee .

Tangan ng 7-foot-3 Porzingis, No. 4 pick sa 2015 draft, ang averaged 17.8 points at 7.1 rebounds sa New York.