July 25, 2026

Home BALITA Politics

2 Blue Ribbon Committee ng Senado, naglabas ng magkaibang anunsyo

2 Blue Ribbon Committee ng Senado, naglabas ng magkaibang anunsyo
Photo courtesy: Mike Defensor/FB

Naglabas ng dalawang magkaibang abiso sa publiko ang Senate Blue Ribbon Committee patungkol sa pagdaraos ng susunod na pagdinig na inanunsyo ni dating Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at siya namang pinawalang-bisa ni  Sen. Erwin Tulfo.

"The public and all concerned stakeholders are hereby advised that no hearing of the Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigations (Blue Ribbon Commitee) has been scheduled for June 16, 2026," ani Tulfo sa inilabas niyang pahayag nitong Lunes, Hunyo 15.

Paliwanag pa niya, "The Committee wished to clarify that the recent announcements made by former Congressman Mike Defensor regarding an alleged hearing on said date were made without the authority, and approval of the Committee. Accordingly, the Committee categorically rejects the misinformation being circulated online."

Tahasan ding iginiit ni Tulfo na illegitimate ang isasagawang pagdinig na sinasabi ni Defensor.

"The purported June 16 hearing completely bypasses this institutional requirement, rendering it illegitimate."

Politics

'We haven't slowed down!' Sen. Ping, tuloy imbestigasyon sa Taguig kahit weekend!

Matatandaang batay sa FB post ni Defensor, binanggit niyang gaganapin ang nasabing pagdinig sa Doublegem EDSA Garden Events Place sa ganap na 10:00 ng umaga sa HUnyo 16 kung saan nakatakda muling lumantad ang 18 maleta boys at karagdagan umanong 14 pang mga testigo.

Sa kasalukuyan, dalawang senador ang umaangkin sa Senate Blue Ribbon Committee chairmanship. Ito ay sina Sen. Erwin Tulfo ng Gatchalian bloc at Sen. Pia Cayetano ng Alan Peter Cayetano bloc.