HINDI ka man naging PBA player o nakahirit sa commercial league. Huwag mawalan ng pag-asa, may basketball career na naghihintay sa iyo.

IBINAHAGI ni dating actor at organizer ng Community Basketball Association (CBA) Carlo Maceda ang sakripisyo para mabuo ang grupo na aniya'y magagamit ng mga kabataan para maging daan sa katuparan ng kanilang pangarap na maging pro sa kanyang pagbisita sa TOPS 'Usapang Sports' nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

IBINAHAGI ni dating actor at organizer ng Community Basketball Association (CBA) Carlo Maceda ang sakripisyo para mabuo ang grupo na aniya'y magagamit ng mga kabataan para maging daan sa katuparan ng kanilang pangarap na maging pro sa kanyang pagbisita sa TOPS 'Usapang Sports' nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Matupad ang pangarap na makalaro sa mas mataas na level ang asam matupad ng organizers ng Community Basketball Association (CBA) para sa mga basketball talents sa mga barangay at mga lalawigan.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ayon kay CBA founding president Carlo Maceda, target ng  liga na pormal na nagsimula nitong Enero 27, na makatuklas nang mga  players na nabigong makatungtung sa PBA o nakalaro man lamang sa kompetitibong liga.

"This is what the CBA is really all about. Bringing basketball  closer to the people in the community and helping them realyze their dreans of becoming better players," pahayag ni Maceda sa kanyang pagbisita sa 8th TOPS " Usapang Sports"  sa National Press Club sa Intramuros lnitong Huwebes.

Ayon kay Maceda, dating actor-director, target ng CBA na maging alternatibong venue sa paglalaro ng basketball sa sandaling walang tsansa na makatungtung sa PBA.

 "We are a basketball country,” aniya.

 Madaming magagaling na players sa ating mga komunidad. Sa bawat barangay na may  basketball court. Thru the CBA, we are giving them now the big break they need to make it," sambit ni Maceda sa kanyang pagdaloi sa lingguhang  sports forum kasama sina Malabon team owner Rinbert Galarde.

Ipinahayag ni Maceda na nakalaan ang P1 milyon para sa magwawaging koponan, habang hiwalay na P1 milyon para sa mapipili nilang komunidad.

Kinausap na raw ni Maceda ang ilang mlalaking kompanya para makatuwang sa pagpapatakbo ng liga.

Nakikipagtulungan din si PBA legend Pido Jarencio bilang consultant,  habang si coach Beaujing Acot ang operations head.

"Sa Malabon, nadami kaming mga baa at magagaling ns players. They just need enough support in terms of training and exposure," pahayag ni Galarde, nagsisilbi ring team manager ng Pinoy Youth Dreamers na nagkampeon sa Dreamers International 3x3 Basketball Challenge sa nakalipas na taon sa Ho Chin Minh, Vietnam .

"Handa naman tayo tumulong sa lahat,  lalo na basketball,"  sambit ni Galarde, may ari rin ng Arceegee Sportswear.