SA World Read Aloud Day, pinaalalahanan ang mga magulang na magsilbing halimbawa upang matulungan ang kani-kanilang anak na mahalin ang pagbabasa.

“The whole world campaigns for reading. It’s not only here but the whole world. We plea especially to our parents: as much as possible limit and stop your kids from using gadgets,” sinabi ni Marion Aguirre, head ng Iloilo City Public Library Division, sa isang panayam nitong Biyernes.

Mas nahihilig na ang mga bata sa teknolohiya, ngunit hindi nila ang mag-spell ng ilang salita dahil sa paggamit ng shortcut sa text, sabi ni Aguirre, idinagdag na kalaunan, ang vocabulary, pronunciation at grammar ng bata ay kaawa-awa.

Hinikayat niya ang mga magulang na limitahan, kung hindi mahihinto, ang kanilang anak sa paggamit ng gadgets, na nag-e-expose sa kanila sa social media.

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

Ayon kay Eireen Manikan, head ng Iloilo City Government’s “Pag-ulikid” program, ang pagbabasa “teaches us, brings us to places we have never been and develops creativity and imagination.”

“We have to read so that we will learn many things every day,” sabi niya.

Sa ganap na 10:00 ng umaga nitong Biyernes, nasa 50 estudyante mula sa Montes I Elementary School ang nakiisa sa ilang paaralan sa bansa sa pagbabasa nang malakas habang naka-live streaming sa Ker and Company Building.

Ang Iloilo City ang napili ng National Library para irepresenta ang Visayas region sa simultaneous reading activity, sabi ni Aguirre.

PNA