PINASALAMATAN  ni  Davao City Mayor Sara Duterte Carpio  ang  Philippine Sports Commission (PSC)  lalo na kay chairman William "Butch" Ramirez, sa pagpapatayo ng   Davao City-UP Sports Complex  upang gawing main hub ng Palarong Pambansa ngayong taon.

RAMIREZ: Palalakasin ng PSC ang grassroots program.

RAMIREZ: Palalakasin ng PSC ang grassroots program.

Ito ang siyang binanggit ng Presidential daughter sa kanyang talumpati sa harap ng 7,000 delegates sa  opening ceremonies ng  Davao Region Athletic Association (Davraa) Meet 2019.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

 "I'd like to express my gratitude to Secretary Mark Villar of the Department of Public Works and Highways, Secretary Leonor Briones of the Department of Education, Chairman Butch Ramirez of the Philippine Sports Commission, University of the Philippines and the office of Congressman Isidro and Alberto Ungab for coming together in helping the city government of Davao. Thank you very much sa inyoha (to all of you)." pahayag ni Inday Sara.

 Ikinasiya naman ni PSC chief Ramirez, ang pahayag na ito ng anak ng Presidente  kung saan ayon sa kanya na masaya siyang makatrabaho ang ama ni Mayor Sara dati at gayundin mismo ang anak nito.

 "We are happy to support the mayor even after the Palarong Pambansa. I plan to speak with her next week and I hope she will come to the Batang Pinoy Mindanao Leg in Tagum hosted by Governor Anthony del Rosario," pahayag ni Ramirez.

Ayon pa kay Ramirez, nakahanda rin ang PSC na makipagtulungan sa mga eskuwelahan, kolehiyo at Unibersidad ng iba pang mga  LGUs.

"With the leadership of Mayor Inday Sara, we can create a Davao City and Davao region genuine grassroots sports path which will be a legacy of Duterte government," pahayag na Ramirez, na dati ring nagsilbi bilang  Davao City sports chief sa ilalim ng pamumuno ng noon ay si  Mayor Rodrigo Duterte at ngayon ay si  Mayor Sara Duterte-Carpio.

 "If Davao and the region will have a unified sports program, it will not only bring honor and pride but will enhance the quality of life of Dabawenyos and instill pride, prestige and excellence among them," ani Ramirez.

 Umabot sa P100 million ang ipinagkaloob ng PSC sa pagpapatayo ng  Davao City-UP Sports Complex. para sa pagsasagawa ng Palarong Pambansa. Annie Abad