SA press set visit namin sa taping ng Kapuso seryeng Onanay, natanong ni Yours Truly si Mikee Quintos kung may syota ba siya sa kasalukuyan?

Mikee copy

“One year nang wala, kasi I really want to focus on my work. Also, tuloy rin ang studies ko as I’m taking up architecture.

“Isa pa lang naman ang naging boyfriend ko, non-showbiz. At this point, masaya naman ako. I want to prove that you can find your own happiness nang hindi ka nagre-rely sa love life.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I also want to be more serious in being a singer kasi I’m part of Studio 7 every Sunday and I really enjoy doing the musical numbers that we present there,” malumanay niyang tsika.

Incidentally, sa Onanay ay lagi silang nagkakasakitan ni Kate Valdez, na tumatayong half-sister niya kay Jo Berry.

Hindi ba sila nagkakapikunan ni Kate pagkatapos ng dog-cat fight scenes nilang dalawa sa nasabing serye?

“It cannot be helped naman po, nagkakasakitan talaga. Lalo na ‘yung first sampalan scene namin na sa sobrang lakas ng sampal niya, talagang namula ang mukha ko, at sorry siya nang sorry sa’kin. I can’t just blame her naman kasi ganun siya ka-invested sa role niya at sa eksena.

“So nag-usap kami na when we do such scenes, we should be aware that trabaho lang ang lahat at kahit, magkasakitan kami, it’s just part of our being professional.

“Actually, ako talaga, hirap na hirap sa ganung mga eksena kasi in real life, hindi ako nagagalit, eh. ‘Pag may sitwasyong nakakagalit, pinalalampas ko na lang. Hindi ako marunong mag-express ng anger in real life. So it’s really a struggle for me na saktan siya kasi I can feel myself holding back.”

The show is now on its sixth month of telecast. What did she learn the most from doing it?

“I learned a lot from this show, especially working with acting greats like Nora Aunor and Cherie Gil as our co-stars and Gina Alajar as our director.

“But ang natutuhan ko talaga is the importance of nuances. Kasi you can follow the instructions of your director, but ‘yung nuances na ginagawa mo in front of the camera, sa ’yo manggagaling ‘yun. Nagugulat ako when people tell me about the nuances I do sa isang eksena. Ang laki pala ng impact noon sa viewers.”

At dahil nga sa masyadong engrossed sa work ang isang Mikee Quintos ngayon, no time for love daw muna siya.

-MERCY LEJARDE