Patay ang isang 72-anyos na magsasaka makaraang suwagin ng ipinapastol niyang kalabaw sa Marcos, Ilocos Norte, nitong Martes.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Bernardo Rumbaoa, ng Barangay Escoda, Marcos.

Ipinapastol ni Rumbaoa ang kalabaw sa naturang lugar nang bigla itong magwala, sinugod siya at sinuwag.

Naisugod pa si Rumbaoa sa Doña Josefa Edralin Marcos District Hospital (DJEMDH) sa Dingras, ngunit binawian din ng buhay dahil sa malaking sugat nito sa dibdib.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

-Freddie G. Lazaro