Muling nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino na maging mapanuri at mag-ingat sa mga inaalok na trabaho sa social media.

Paalala ng DFA sa mga naghahanap ng trabaho, alamin muna ang mga job offer sa tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Philippine Overseas Labor Offices (POLO) sa ibang bansa.

Ang panawagan ng ahensiya ay kasunod sa nangyari sa isang hindi pinangalanang Pinay, 27, na inalok ng katulad na job offer sa Dubai at nagtamo ng spinal fracture o bali sa gulugod matapos na tumalon sa isang gusali para tumakas.

Sinabi ni Consul General Paul Raymund Cortes na tinanggap ng biktima ang trabaho sa pamamagitan ng social media at pumasok sa United Arab Emirates (UAE), gamit ang tourist visa, noong Disyembre 2018.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

Sa UAE, dinala umano siya sa kanyang agency’s accommodation at doon na ikinulong at hindi pinakain.Makalipas ang ilang araw, nagpasya ang Pinay na tumakas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikatlong palapag ng isang gusali.

Sa ngayon, inaayudahan ang biktima ng Konsulado ng Pilipinas sa Dubai, at inaasikaso ang kanyang repatriation.

-Bella Gamotea