MAKASISIGURO ang lahat ng pantay at patas na labanan sa ilalargang Ronda Pilipinas at Motocross event bunsod nang pagtataguyod ng Games and Amusement Board (GAB) sa dalawang pamosong event.

Itinuturing premyadong cycling marathon sa bansa, muling manapapanood ang mga tinaguriang Road Warriors sa pagsikad ng Ronda Pilipinas na itinataguyod ng LBC, sa gabay ng mga panuntunan ng GAB at basbas ng International Cycling Union (UCI).

“GAB acts to ensure legal and medical protection for professional cyclists as well as organizers for the event,” sambit ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Kabilang ang mga foreign riders – pawang naghahangad ng UCI points – sa sasailalim sa medical at drug test ng pamahalaan.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Batay sa panawagan ng Pangulong Duterte na sugpuin ang ilegal na droga, sentro ng kampanya ng GAB ang pagkakaroon ng regular na medical test para sa mga atleta.

Nilikha ang GAB sa bisa ng Presidential Decree 871, kung saan binigyan ang ahensiya ng kapangyarihan na pangasiwaan at mga pro sports tulad ng boxing, basketball, football, boxing, wrestling, MMA, at e-Sports.

Sisimulan naman ang una sa anim na leg ng 2019 MMF Supercross Championship sa Sabado sa Taytay, Rizal.

Noong 2003, inilabas ng GAB ang resolusyon na kumikilala sa motocross bilang isang professional sports sa bansa