MAY mga youth-oriented movies na in the recent past ay hindi gaanong kumita tulad ng Walwal at Petmalu to name a few. Sa kabila nito, positibo pa rin Quark Henares, head ng Globe Studios at co-producer ng Goyo: Ang Batang Heneral sa handog nilang Dead Kids.

Sue (Dead Kids)

“It is more than just being a youth movie. Mahirap lagyan ng label dahil nag-start ito sa barkada movie at nauwi sa pagiging suspense thriller. Millenial ang director na si Mikhail Red at pawang millennial ang bumubuo sa cast. Tinatarget namin ang Instagram generation.”

Sa pelikulang Dead Kids ay may grupo ng high school kids na nangidnap ng mga kaklase nila na anak ng isang narco politician at gusto nila ng vigilant justice para sa mga taong mga naging biktima ng pang-aabuso. Along the way, ay marami silang sablay dahil mga amateurs lang sila.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kasama sa cast sina Sue Ramirez, Vanc e La r e n a , Markus Petterson, Kha l i l Ramos, Kalvin Miranda, Gabby Padilla at Jan Silverio.

Sa direksiyon ni Mikhail Red, ang Dead Kids ay planong ilahok sa international festivals.

-Remy Umerez