BAGAY daw pala si Polo Ravales na gumanap bilang General Bato sa Bato: The General Ronald Dela Rosa Story dahil wala siyang buhok, sabi ni action superstar Robin Padilla nang una silang magkasama sa shooting ng movie. Natawa na lamang si Polo nang sabihin iyon sa kanya ni Robin sa mediacon ng movie na produced ng ALV Films at Benchingko Films na ire-release naman ng Regal Entertainmnet, Inc.

Polo at Paulyn

Isa pala si Polo na gaganap na kalaban ni Bato, kaya isa raw malaking karangalan sa kanya na makasama si Robin Padilla sa pelikula.

Ang isa pa naming inalam kay Polo ay kung totoong engaged na siya sa non-showbiz girlfriend niyang si Paulyn Quiza.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Yes po, after one year na girlfriend ko siya, on December 26, 2017, nag-proposed na ako sa kanya last Christmas day, December 25, 2018,” kuwento ni Polo. “Bago po iyon ay loveless ako for one year at nang ma-meet ko siya in 2017, naramdaman ko pong siya na iyon. Ewan ko po kung love at first sight, iba po talaga ang pakiramdam ko sa kanya.”

Si Paulyn ay isang fitness trainer at ilan sa mga tini-train niya ay sina Jackielou Blanco, Iza Calzado at Andrea Brillantes.

So, kailan naman ang wedding? Si Polo ay 37 years old na at si Paulyn ay 32. Chika pa ni Polo, ang nagustuhan daw niya kay Paulyn ay ang pagiging maalaga nito.

“Nasa planning stage pa po lamang kami. Siguro po next year na, 2020, garden wedding sa Tagaytay. Ayaw po namin ng malaking wedding, siguro with 100 guests lamang, iyong mga talagang close sa aming dalawa at sa family namin. Wala pa po ang ibang details, paghahandaan po muna namin.”

Ang Bato: The General Ronald dela Rosa Story ay idinirek ni Adolf Alix, Jr. at showing na sa Wednesday, January 30, in cinemas nationwide.

-Nora V. Calderon