HANDA na ang lahat sa pagtulak ng Congressman Ronaldo B. Zamora Cup Tatlohan Non-Master Chess Tournament (1950 below ratings based on January 1, 2019) sa Marso 24 na gaganapin sa Barangay Salapan covered court sa San Juan City.

"We do this to promote chess in the grass roots level and discover future chess talents," sabi ni Barangay Salapan chairman Charles "Ayie" Tejoso.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

"The Tournament is a seven round Swiss System with 20 minutes using match point system with 5 seconds delay per player to finish the game." paliwanag naman ni Tournament Director/Manager Raynald C. Redondo.

Ayon kay secretary  Kheil Louie Ilagan nakataya sa National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament ang P20,000 plus trophy sa magkakampeon na koponan sa one-day event na pangangasiwaan ng Chess Arbiter Union of the Philippines sa pangunguna ni Chief Arbiter FNA Alexander "Alex" Dinoy at kaagapay sina FNA Alfredo Chay, FNA Reden Cruz at  CNA Miel Bautista.

Nakalaan naman sa second hanggang sixth placers ang cash prizes worth P15,000, P10,000, P6,000, P4,000, at P3,000 ayon sa pagkakasunod.

May special prizes para sa top team performer sa top 1920 and below, top College team, top High school team at top Lady team na tig P1,000 habang may mapapanalunan naman anh mga individual gold medal winner mula board one, two at three na tig P500.

Ang registration fee ay P2,200 para sa early birds hangang Marso 23, 2019. Ang on-site registration fee ay magtataas ng P200 patungo sa P2,400 sa Marso 24, 2019.

May libreng lunch at kape sa lahat ng mga kalahok.

Kung magbabayad sa Bangko, Palawan Express, Cebuana Lhuillier at Mlhillier, o may iba pang concern ay mag message sa 0947 879 8217 at dalhin ang receipt sa araw ng torneo.