May bago na namang beauty queen ang Pilipinas.

Karen

Kinoronahan bilang Miss Intercontinental 2018 nitong Sabado ng gabi ang pambato ng Pilipinas na si Karen Gallman.

Sa unang pagkakataon, nakuha ng isang Pilipina ang korona, na ipinasa sa kanya ng reigning queen mula sa Mexico, si Veronica Salas Vallejo, sa Mall of Asia Arena kung saan idinaos ang 47th edition ng patimpalak.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Tinalo ng Filipino-Australian beauty queen ang nasa 82 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

First runner up ni Karen si Miss Costa Rica Adriana Moya Alvarado, second runner-up si Miss Slovak Republic Laura Longauerova, 3rd runner-up si Miss Colombia Hillary Hollmann del Prado, 4th runner-up si Miss Vietnam Ngan Anh Au Le, at si Miss Ethiopia Bella Lire Lapso ang 5th runner up.

Bukod sa titulo, ang 25-anyos na beauty queen din ang kinilalang “Queen of Asia and Oceania.“

Marjaleen Ramos