Isinapubliko na ni Pangulong Duterte ang mga kandidatong susuportahan niya sa midterm elections sa Mayo 13.
Una nang binanggit ng Pangulo ang dati niyang presidential aide na si Bong Go, dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa, at dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino.
Ayon kay Duterte, susuportahan din niya ang mga re-electionist na sina Senators Sonny Angara at Cynthia Villar.
Kabilang din sa kanyang susuportahan sina Taguig Rep. Pia Cayatano at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.
Iboboto rin ni Duterte ang mang-aawit na si Freddie Aguilar, habang kinilala rinn niya ang kanyang dating tagapagsalita na si Harry Roque.
Nilinaw naman ni Duterte na hindi niya ia-adopt ang Senate slate ng kanyang partidong PDP-Laban dahil hindi, aniya, lahat sa listahan ng PDP-Laban ay kanyang iboboto.
-Beth Camia