SI Golden Canedo ng Cebu City ang itinanghal na unang grand champion ng katatapos na The Clash musical competition ng GMA Network. Only 16 years old, talagang na-excite si Golden nang siya ang tanghaling grand champion.

Golden Canedo copy

Since then, hindi na halos nakauwi sa Cebu si Golden, dahil nagsunud-sunod na ang mga TV guestings niya at ng iba pang kasama niyang Clashers.

Isa si Golden sa mainstays ng musical program na Studio 7 every Sunday, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko. Last weekend, nakauwi siya sa Cebu para sa Sinulog Festival 2019.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero excited at looking forward siya sa first concert na tatampukan niya. Magiging guest performer siya nina Julie Anne San Jose at Christian Bautista para sa The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only concert na magaganap sa Linggo, January 27, sa Iloilo Convention Center, Iloilo City.

“Noon po, judge po siya, si Sir Christian. At si Ms. Julie naman, sinusubaybayan ko po siya every time sa TV noon, at kinakanta ko pa po yung mga songs niya,” sabi ni Golden.

“Ngayon, kasama ko na po silang dalawa sa concert. Ito po ang first ever concert ko simula nang manalo ako, at pinaghahandaan ko po iyon para pasayahin ang mga Kapusong Ilonggo. Kaya labis-labis po ang pasasalamat ko sa GMA.”

Ang said concert ay bahagi na rin ng Dinagyang Festival participation ng GMA Regional TV.

Makakasama rin nina Julie, Christian at Golden sa gabing iyon ang mga Kapuso comedians na sina Donita Nose at Super Tekla.

Tickets are available sa SM Tickets (www.smtickets.com).

-Nora V. Calderon