Maghahain ng protesta si Cotabato City Mayor Frances Cynthia Guiani-Siyadi kaugnay ng resulta ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL), nang manalo ang botong “Yes” para mapabilang ang siyudad sa bubuuing Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Siyadi, ang mga na-canvass na boto ay hindi ang tunay na nais ng mamamayan ng siyudad, dahil karamihan sa kanila ay hindi bumoto dahil sa mga natanggap umanong pananakot.

“It did not reflect the true will of the people of Cotabato City. What were those outsiders doing inside Cotabato City? Is it not that reactionary forces are prohibited under the Omnibus Election Code?” anang alkalde.

Aniya, ilang guro na magsisilbi sana sa eleksiyon ang hindi sumipot dahil sa umano’y mga pananakot na kanilang natanggap.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

Iginiit pa ni Siyadi na ang pagpapasabog ng granada sa bahay ng isang hukom at ang isa pang bomba na natagpuan sa Rojas High School ay malinaw na pananakot sa mga botante.

Ayon sa alkalde, hinarangan din umano ng libu-libong tagasuporta ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga botante.

“Which the military and the PNP were not able to control, and so on,we have lots of irregularities to mention,” anang alkalde. “Those who voted ‘no’ are harassed now. Where will they go? Who can protect them?”

Aniya, inihahanda na ng mga kaibigan niyang abogado ang mga dokumentong isusumite nila bago ang ikalawang plebisito sa Pebrero 6.

Nitong Martes ng gabi, inihayag ng Commission on Elections (Comelec)-Cotabato City na nasa 36,682 ang boto ng mga pabor na mapasama ang siyudad sa BARMM, habang nasa 24,994 naman ang bumoto ng ‘No’.

May kabuuang 61,676 ang bumoto sa kabuuang 113,751 rehistrado sa lungsod.Kaugnay nito, nilinaw ni Comelec Spokesman James Jimenez na “clerical error” lang ang naitala ng poll body na “discrepancy” sa Certificate of Canvass (COC) ng Cotabato City sa kabuuang bilang ng mga rehistrado at mga bumoto, at maitatama pa ito sa national canvassing.

“Upon verification with the Project of Precincts, it would appear that a clerical error has been made,” ani Jimenez.

Kamakailan, nag-tweet ang poll official na ang Cotabato City ay may 113,751 rehistradong botante at 61,676 na actual voters.Ngunit base sa Cotabato City COC, may 71,963 rehistradong botante at 39,027 bumoto sa siyudad.

-Armando B. Fenequito Jr. at Leslie Ann G. Aquino