Tuluyan nang nalusaw ang low pressure are (LPA) at dating bagyong ‘Amang’, ngunit isang panibagong sama ng panahon ang namumuo sa bahagi ng Eastern Samar.

Sa ulat ni Chris Perez, weather specialist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tinatayang nasa layong 65 kilometro ng hilaga-silangan ng Borongan, Eastern Samar ang LPA kahapon ng umaga.

Maaaring magdulot ng mga pag-ulan ang LPA sa bahagi ng Eastern Visayas, ngunit inaasahan din na malulusaw ito sa loob ng 12-24 na oras.

Maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pag-ulan ang mararanasan ng Mindanao, dulot ng localized thunderstorms, samantalang patuloy namang iiral ang amihan sa Luzon at Visayas.

National

China, walang natanggap na asylum application sa kampo ni FPRRD

-Ellalyn De Vera-Ruiz