Pansamantalang isinara para sa disinfection ang emergency room (ER) ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, Maynila, matapos na i-admit doon ang isang pasyente na may mga sintomas ng meningococcemia.

CLOSED MUNA Bantay-sarado ang emergency room ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, na pansamantalang isinara dahil sa isang pasyente na hinihinalang may meningococcemia. (CZAR DANCEL)

CLOSED MUNA Bantay-sarado ang emergency room ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, na pansamantalang isinara dahil sa isang pasyente na hinihinalang may meningococcemia.
(CZAR DANCEL)

“The emergency room of GABMMC is temporarily closed as part of standard safety procedure and infection control protocol because of a patient with suspected meningococcal infection,” saad sa pahayag ng ospital.

Ayon kay Dr. Rolan Mendiola, senior house officer ng GABMMC, hinihintay pa nila ang resulta ng confirmatory test kung positibong may meningo ang pasyente.

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!

Aniya, nasa isolation room na ang 55-anyos na pasyente, na tatlo hanggang limang araw nang nilalagnat at may rashes.

“‘Yung confirmity sa test hinihintay natin iyon kaya lang usually ang blood culture confirmation medyo matagal usually mga five days. Kaya suspect pa, wala pang confirmation,” paglilinaw ni Mendiola.

Ilan sa mga sintomas ng meningococcemia ay pananakit ng ulo, lagnat, pagsusuka, skin rashes, at nausea.

Sinabi ng GABMMC na ang sakit ay “not highly contagious unless one is in close contact with the patient”.

Kaugnay nito, inaabisuhan ang publiko “who will need emergency medical/ surgical care to proceed to the nearest hospital”.

Normal naman na operasyon sa iba pang pasilidad ng ospital, kabilang ang outpatient department.

“The hospital hopes to resume ER operations by tomorrow (January 24),” ayon sa ospital.

-ANALOU DE VERA