KINUMPIRMA ni Enchong Dee na siya ang nakabili ng lupang nasa palengke na nasa kanto ng 15th Avenue at 1st Camarilla sa Murphy, Quezon City, na under construction ngayon.

Enchong copy

Ayon sa leading man ni Janine Gutierrez sa pelikulang Elise, magulang niya ang magma-manage pagdating sa mga paupahan nila, tulad ng nauna niyang ipinatayo malapit sa palengke ng Q Mart.

Kaya raw mga ganitong lugar ang pinipili nila ng Mama niya ay dahil matao kaya may mga negosyo.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Tinanong namin kung ilang units ang kasalukuyang ipinapatayo niyang building.

“Inaayos pa namin ni Mama, unti-untiin muna ang pambayad. He, he, he,” sagot ng aktor.

In fairness, masipag at super kuripot ni Enchong, kaya hindi kataka-takang magkaroon siya ng mga ganitong investment na kumikita lahat.

Tulad ng Peri-Peri restaurant niya, na ang huling alam namin ay lima na ang branches na nasa Megamall, Gateway Mall, SM City, Eastwood City, at Promenade na lahat ay nakainan namin at sinabing isa si Enchong sa may-ari.

Medyo madaldal nga ang staff na hindi namin babanggitin kung saang branch.

“Madalas pong nagtsi-check si Boss Enchong. Pero hands on talaga si boss Dom (Hernandez),” tsika sa amin ng staff.

Ang ganda ng partnership ni Enchong at ng nanay niya, dahil sa mga paupahang building in-charge ang huli at sa mga restaurant naman ang aktor. Siyempre, ang mga kinikita ni Enchong sa showbiz ang naging capital sa mga negosyo niya.

“Ganu’n naman talaga dapat, ‘di ba? Habang kumikita ka, mag-ipon ka at mag-invest, dahil hindi naman forever ang showbiz,” sabi ni Enchong.

Oo nga naman, dumating sa puntong halos hindi na natutulog ang aktor sa kaliwa’t kanan niyang projects sa ABS-CBN at Star Cinema. Pero ngayon ay wala siyang teleserye.

“Oo nga, eh. Wala. Pero alam ko hindi ako pinababayaan ng ABS, kaya dito muna tayo sa Elise mag-concentrate,” say ni Enchong.

At wala ring girlfriend ngayon si Enchong kaya mas may time siya ngayon sa mga gusto niyang gawin.

“I rested for about three years. You need also the time para to rest, and give yourself more value and importance.

“Siyempre bakasyon, ‘di ba, puwede kong gawin na sarili kong bakasyon lang. Wala kang dapat paalamanan o kailangan mong mag-update lagi. Sarili mo lang talaga. So far, nag-e-enjoy naman ako na ganito,” say pa ng aktor sa panayam namin sa kanya sa grand mediacon kamakailan ng Elise, na mapapanood na sa Pebrero 6 mula sa Regal Entertainment at idinirek ni Joel Ferrer.

-REGGEE BONOAN