AYAW pang i-reveal ni Xian Lim kung ilang taon na silang magkarelasyon ni Kim Chiu. Para raw may element of surprise.

Kim at Xian

Natanong kasi kung sa duration ng relasyon nila ay nasubukan na nilang mag-away, na nagmuntikan nang humantong sa hiwalayan.

“Hindi naman aabot sa ‘ayoko na sa ‘yo’. Hindi naman aabot sa ganun,” sabi ni Xian.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pero nasusubukan daw ang pasensiya nila kapag may mga out-of-the-country trip sila, tulad nitong nakaraang biyahe nila sa China noong New Year.

Nagkaroon daw sila ng konting sagutan.

“Si Kim kasi sobrang hyper. Alam naman natin (na lagi siyang) ‘Hello, everybody!’ (sa mga tao). Sabi ko, ‘Kim, pahinga naman tayo kahit konti. Siksik na siksik na ‘yung travels natin. Enjoy-in lang natin sandali’. I think sa sobrang hyper niya, dumating sa point na mabilis siyang mataranta,” kuwento ni Xian.

Mahilig daw mag-book si Kim at nagkasabay-sabay na dumating sa hotel nila ang apat na sasakyan na susundo sa kanila.

“Nataranta siya. ‘Xi, Xi, anong gagawin ko, Xi?’ Cancel, cancel, cancel. Eh hindi pala na-cancel. Dumating sa hotel, apat na kotse. Ah, ok, binayaran namin.”Paano nila naayos ‘yun ni Kim? Hindi ba siya nagalit?“Kinukuwestiyon ko. (Sabi ko sa kanya) ‘Kim, sabi ko sa ‘yo, chill ka lang, eh’. Pero hindi kami umaabot sa nagsusumbatan na kami. Hindi kami umaabot sa ganun.”

Nagkakasundo naman daw ang dalawa bilang extrovert ang aktres at introvert naman si Xian.

Sino ang nag-a-adjust?

“Ako. Ha, ha, ha!” natawang sagot ni Xian. “Mga introverts laging nag-a-adjust.”Pero napapawi naman daw lahat kapag naglalambing na ang girlfriend niya, bagay na gustung-gusto niya.

“Sobrang lambing ni Kim. Matagal na rin kasi kami. Kumbaga, nahumaling talaga ako sa pagkalambing niya,” pag-amin ni Xian.

Sa pelikulang Hanggang Kailan? ay may kissing scenes si Xian kay Louise delos Reyes. Hindi naman daw nagselos si Kim, dahil alam nitong trabaho lang ang ginawa ng aktor.

Mapapanood na ang Hanggang Kailan? sa Pebrero 6, handog ng Viva Films, BluArt Productions, at XL8, sa direksiyon ni Bona Fajardo.

-Reggee Bonoan