LALARAGA ang pinakahihintay at  pinaka-prestihiyosong invitational derby sa Pilipinas – ang World Slasher Cup  2019 – sa Enero 28 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

ANG mga pamosong kampeon sa World Slasher Cup (mula sa kaliwa) Magno Lim at Gerry Tesorero; Frank Berin; Patrick “Idol” Antonio; at Rey Briones.

ANG mga pamosong kampeon sa World Slasher Cup (mula sa kaliwa) Magno Lim at Gerry Tesorero; Frank Berin; Patrick “Idol” Antonio; at Rey Briones.

Nakatakda ang Grand Finals sa Peb. 6 sa torneo na tampok ang pinakamahuhusay na manok-panabong at tinatayang lalahukan ng 300 entries.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Ang pinaka-inaabangan muli ay ang kampanya ng dating kampiyon na si Thunderbird endorser Frank Berin, ang back-to-back winner noong taon 2017.

Ang Thunderbird, masugid na tagasuporta ng World Slasher Cup sa mahabang panahon, ay sikat sa mga nagpapalahi ng mga manok-panabong dahil sa winning formula nito. Kinikilala bilang nangungunang tagapag-angat ng industriya ng gamefowl breeding, ang Thunderbird ay nag-didistribute ng mga de-kalidad na patuka at veterinary products na inaming gamit ng mga sabong champs tulad ni Berin sa matinding labanan sa WSC.

Pagdating ng Enero 28, inaasahan ang mga dating kampiyon at mga beterano ng WSC na muling magtutuos upang subukin maibulsa ang pinakamatas na karangalan sa pandaigdigan sabong.

Pangungunahan ang banggaan ng nagkampiyon sa WSC 1 2018 na si Patrick Antonio na ipagtatanggol ang kanyang korona, kasama sila dating kampiyon Rey Briones (WSC 2 2018 champ), Nene Araneta, Magno Lim, Dicky Lim, Biboy Enriquez, Ed Apari, Doc Ayong Lorenzo, at iba pa.

Ang home team ay itatampok sina Joey Sy, Ed Ochoa, Boy Marzo, Rikki Reyes, Jun Sevilla, Mel “Man Fighter” Lim, James Uy, Roel Gatchalian, Allan Siyaco, Celso Evangelista, James Yap, Gerald Ampil, Rhemy Medrano, Arman Santos, Peping Ricafort, Crispin Aguas, Rey Morla, Tony Marfori, Virgilio Lacson, Jun Villanueva, Boyet Plaza, Aylwynn Sy, Ricoy Palmares, Efren Canlas, Doc Marvin Rocafort, Celso Salazar, Jet Fernando, Carlos Tumpalan, Boy De Roca, Dong Chung, Honey Yu, Nelson Uy at Terence Madlambayan.

Kabilang din sina Gerry Escalona, Art De Castro, Pol Estrellado, Wilard Ty, Rickyh Magtuto, Marvin Perez, Eugene Perez, Kenneth Liao, Ruben Tan, Ding Cajulis, Tady Palma, Ramil Capistrano, Mark Celso, Julio Vinluan, Rene Adao, Boody Buenaventura, Boy Montano, Jimmy Junsay, Nestor Vendivil, Noel Jarin, Ruel Ricafort, Arthur Alonzo, Luis Tapia, Jojo Gatlabyan, Edgar Santos, Rey Directo, Nick Crisostomo, Jun Sevilla, Eddie Araneta, Felix Rebol, Boy Gamilla, John Gutierrez, Pros Antonio, Wilvin Sy, Jeffrey Sy, Jess Moradas, Bernie Tacoy, Jun Bacolod, Atty. Astorga, Dante Hinlo, Vic Lacsao, Boboy Delos Santos, Hector Magpantay at Ms. Osang Dela Cruz.

Ang mga dayuhan at Fil-Am na mga kalahok ay kinabibilangan nina Chuck Berry; Ray Alexander ng Alabama; Marty Bently ng Ohio; Erik Rosales, Robert Dominquez, Bruce Brown ng California; Butch Cambra ng Hawaii; Nathan Jumper ng Mississippi; Tim Fitzgerald ng Utah; Bobby Fairchild ng Kentucky; Black Bonanza Brent Douglass at Ernest Atkins ng Tennessee.

Ang iskedyul ng WSC 1 sa buwan ito ay : Enero 28-30 para sa 2-cock eliminations; Enero 31 hanggang Peb. 2 para sa 3-cock Semis; Peb 3-4 para sa 4-cock Pre-Finals; at Peb. 6 naman ang 4-cock Grand Finals. Ang bilang ng mga maghaharap sa Finals ay pagbabasehan kung magkakaroon ng isang araw na pahinga.

Para sa kargdagan imporamsyon tungkol sa WSC 1, maaring tumawag sa WSC Derby Ofice sa 588-4000 local 8227 o 911-2928.

Panoorin ng live ang labanan sa Big Dome! Para sa mga manonood, tumawag sa Ticketnet sa 911-5555, bumisita sa www.ticketnet.com.ph; o bisitahin ang Tiketnet Booth sa Coliseum Concourse sa tabi ng Yellow Gate.  Pasyalan din ang Thunderbird booth sa Green Gate concourse para sa palaro at mga sopresa.