Pinag-iingat ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa limang hindi rehistradong produkto na ibinebenta sa merkado.

Sa abiso ng FDA, tinukoy nito ang Bonito Soup Stock, Meito Vitamin C Nodoame Mix Fruits 1000mg, Daiso Select Carbonara Sauce, Hammer on Pretzel Garlic Butter Taste, at Daiso Select Sukiyaki Sauce na pawang hindi rehistrado.

Paglilinaw ng FDA, hindi dumaan sa proseso ng ahensiya ang mga nasabing produkto.

“(These) food products have not gone through the registration process of the agency and have not been issued the proper authorization in the form of Certificate of Product Registration,” saad sa abiso ng FDA.

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

“In light of the foregoing, the public is advised not to purchase the aforementioned violative products.

“Since unregistered food products have not gone through evaluation and testing process of the FDA, the agency cannot guarantee their quality and safety.”

Nanawagan din sila sa mga establisimyento na huwag nang ibenta o ikalat sa publiko ang mga produkto, upang hindi maharap sa kaukulang kaso.

-Analou De Vera