Nilinaw kahapon ni dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go na bukas para sa lahat ang Malasakit Centers, kaya hindi na kailangan ng anumang pag-endorso ng pulitiko o sinuman upang makakuha ng tulong medikal.

Ang pahayag ni Go ay tugon sa litrato ng pekeng Malasakit Assistance ID cards na ipinost sa Twitter.

“Kagaya ng sinabi ko noon, hindi na po kailangan ng ID kahit saang Malasakit Center. Basta Pilipino qualified,” binigyang-diin ni Go sa isang panayam sa radyo.

“Para po sa mga nangangailangan naman ng tulong mula sa Malasakit Center, pumunta lang po kayo doon para sa medical assistance na kailangan ninyo. Kung may nag-abot sa inyo ng ID cards na may mukha ng kahit sinong pulitiko at sinasabing kailangan ‘yan, itapon n’yo nalang, dahil hindi ‘yan totoo,” dagdag pa niya.

National

'Unfinished business' ni Roque sa House of Representatives, pinuna ng ilang mambabatas

Ang Malasakit Center ay one-stop shop para sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang mas mapadali ang pagkuha ng tulong medikal at pinansiyal mula sa gobyerno.