ABUT-ABOT ang papuri kay Arjo Atayde mula sa nag-iisang Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano sa ginanap na grand presscon ng The General’s Daughter nitong Martes sa Dolphy Theater.

maricel

May autism ang karakter ni Arjo bilang si Elai Sarmiento na hindi binanggit kung tunay siyang anak ni Isabelle (Maricel) sa serye.

Ilang dekada na sa showbiz industry ni Marya (tawag kay Maricel) kaya alam na niya kung magaling o hindi ang artistang ka-eksena niya, kaya hiningan siya ng komento tungkol sa mga bagong henerasyon na kasama niya sa TGD.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“I’m very impressed with Arjo because autistic kasi siya rito, anak ko siya, dalawa lang kami rito (magka-eksena)”.

Tinanong si Marya kung anong rating ang ibibigay niya kay Arjo pagdating sa pag-arte.

“From 1-10? 10 (score), bihira akong maka-trabaho ng napakahusay, ‘yung talagang saludo ako. Ako sasaludo? Bakit ako sasaludo? Hindi naman ako ang General ‘di ba? Ang point ko lang, mahusay siya na sobra akong tinatablan ‘pag umaarte na bilang anak ko. Eveytime na makita (ko siyang) umiiyak, it breaks my heart, totoo. Kaya hindi ko mapigilan ‘yung paghanga ko sa kanya,” mahabang pahayag ni Maricel.

Maraming nagulat sa ibinigay na 10 score ni Marya kay Arjo dahil ang pinakabida ng serye ay binigyan niya ng rating na 8 si Angel Locsin na bida sa TGD.

Hindi man niya naipaliwanag nang husto kung bakit mas mataas ang kay Arjo, siguro dahil kakaiba ang karakter ni Arjo na may autism hindi tulad ni Angel na normal ang kilos at pag-iisip.

Anyway, hindi lang naman sina Arjo at Angel ang hinangaan ni Marya.

“Si JC (de Vera), naka-trabaho ko na siya sa ‘MMK’ (Maalaala MO Kaya - September 23 episode), mahusay ang bata.

“Si Pau (Paulo Avelino), alam ko dati na siyang magaling kaya lang hindi pa kami nagkaka-eksena, pero at least magkasama kami.

“At itong batang guwapong ito (Ronnie Alonte) na gusto kong sabunutan sa pagka-guwapo, si Ronnie. Madalas kasi sa dressing room ni kuya Vice (Ganda) nila, ate pala. E, kasi anak ko ‘yun (Vice), eh. E, sila (Ronnie) hindi ko alam kung anong tawag nila, kuya ba, ate ba, ano ba? Kaya doon ko nakikitang, ‘tong batang to, guwapo ka, sinong girlfriend mo? Ah ito pala (sabay turo kay Loisa Andalio). Umamin sila sa akin, I don’t you guys.’

Samantala, matagal bago ulit nagkaroon ng teleserye si Maricel kaya excited siya sa The General’s Daughter at tulad nga ng sinabi ni Angel na 7:00 AM pa ang call time, pero 4:00 AM ay nangangatok na si Marya sa kanila para maghanda kaya natataranta ang lahat sa Diamond Star.

Pinatunayan din ito ng nakausap naming taga-production na sobrang aga nga raw ni Maricel at alam na nito ang linya niya. At dahil maagang magising, dapat daw ay maaga rin siyang matulog para fresh.

Sa Lunes, Enero 21 na mapapanood ang The General’s Daughter sa ABS-CBN handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksyon nina Mervyn Brondial at Manny Palo.

-REGGEE BONOAN