Pinangunahan ng Shell ang pagpapatupad ng big-time oil price hike ngayong Martes.
Sa pahayag ng Shell kahapon, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes, Enero 15, ay nagtaas ito ng P2.30 sa kada litro ng diesel, P2 sa kerosene, at P1.40 naman sa gasolina.
Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa parehong malakihang dagdag-presyo sa petrolyo, na bunsod ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Enero 8 nang ipatupad ang unang bugso ng oil price hike ngayong taon, nang madagdagan ng 80 sentimos ang kada litro ng gasolina, 70 sentimos sa diesel, at 40 sentimos sa kerosene.
-BELLA GAMOTEA