Walang dudang big-time ang taas-presyo sa produktong petrolyo na ipatutupad bukas. Full tank na!

download-14-1

Pinangunahan ng Shell ang pagpapatupad ng big-time oil price hike bukas, Enero 15.

Sa pahayag ng Shell ngayong Lunes, epektibo dakong 6:00 ng umaga bukas ay magtataas ito ng P2.30 sa kada litro ng diesel, P2 sa kerosene, at P1.40 naman sa gasolina.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa parehong malakihang dagdag-presyo sa petrolyo, na bunsod ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Enero 8 nang ipatupad ang unang bugso ng oil price hike ngayong taon, nang madagdagan ng 80 sentimos ang kada litro ng gasolina, 70 sentimos sa diesel, at 40 sentimos sa kerosene.

Bella Gamotea