May sariling paraan si Pangulong Duterte para makapagtipid sa konsumo ng kuryente at iba pang mga gastusin sa Malacañang.

Pangulong Rodrigo Duterte

Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi kamakailan ni Duterte na siya mismo ang naglilibot sa Malacañang upang patayin ang mga ilaw at i-unplug ang mga appliances na hindi ginagamit.

“Ako lang rin ang Presidente na umiikot sa compound, nagsasara ng ilaw,” naikuwento ng dating mayor ng Davao City sa pagbisita niya kamakailan sa Masbate.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Kasi nung pagdating ko, susmaryosep ang aircon, kurog (naginaw) ako. Hindi ko—bakit kayo mag-aircon ng gabi? Iyong ano, nakailaw lahat,” sabi niya.

Kilala sa kanyang simpleng pamumuhay, matagal nang sinabi ni Duterte na hindi naman ganoon kagarbo ang manirahan sa Malacañang.

Umuuwi sa kanyang bahay sa Davao City tuwing weekend, sinabi ng 73-anyos na Presidente na totoong malaki nga ang kanyang sala para maaaring magdaos doon ng mga pulong, pero maliit lang ang kanyang kuwarto, at may sira ang kanyang banyo.

“Sa Malacañang, para ‘yun sa mga—para lang sa mga multo ‘yun,” sabi ni Duterte.

Bukod sa pagtitipid sa kuryente, sinabi ni Duterte na simple rin lang ang mga kinakain niya sa Palasyo.

“Magkain kayo sa akin? Oo. Isang sabaw, wala pay laman, gulay lang ang y***. Sabaw, isang ulam, isang kanin. Maniwala kayo’t hindi. Pati ‘yung mga ambassador diyan, sabihin ko, kung kumain dito, ‘yan lang,” aniya.

Genalyn D. Kabiling