IKINATUWA ng mga Pinoy ang tweet ni Ryan Seacrest—binati niya kasi si Miss Universe 2019 Catriona Gray sa pagkakapanalo nito, matapos na mag-guest ang Filipina-Australian beauty queen sa kanyang TV show sa Amerika.

Ryan, Catriona, at Kelly copy

“A lot of #FilipinoPride in the audience today for @MissUniverse @Catrionaelisa! Maligayang bati sa inyong pagkapanalo, tweet ni Ryan.

Nag-guest si Catriona sa talk show na Live with Kelly and Ryan, na hosted nina Ryan at Kelly Ripa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi lang sigurado kung marunong talagang mag-Tagalog ang dating host ng American Idol, o may nagturo sa kanya habang nasa studio si Catriona, o nag- Google lang si Ryan.

Dahil sa pagta-Tagalog ni Ryan, may mga nag-request na sana ay siya na lang ang host ng Miss Universe next year. Mas masaya raw ‘pag nangyari ‘yun.

Simula nitong Lunes, sunud-sunod ang guesting ni Catriona sa mga talk show sa America, at sa talk show na Good Day New York ay natanong si Catriona tungkol sa boyfriend niyang si Clint Bondad.

“Really, I just want to focus on the year ahead. Thankfully, he’s very understanding,” pahayag ni Catriona.

Natanong din si Catriona tungkol sa isyu ng pagiging Australian niya ay binigyang-diin niya na siya ay isang “Filipino woman”, bagamat lumaki siya sa Australia.

-NITZ MIRALLES