Sinabi ni Pangulong Duterte na sinasagad niya lang ang “limits of civility” sa pamamagitan ng masasakit niyang salita at biro, ngunit nagpahayag na sana ay walang nasaktan sa mga naturang komento niya.

Ipinaliwanag ng Pangulo na pinipili niya ang “strong words” upang labanan ang kanyang mga kritiko na ininsulto siya simula pa noong 2016 presidential campaign.

“I hope I have not offended anybody by my strong words or my joke. It’s not really… Parang sinadya ko ‘yan para pangbastos,” sinabi niya nang bumisita sa Masbate, nitong Miyerkules.

“I am really pursuing the limits of civility kasi kampanya pa lang, binabastos na nila (kritiko) ako, eh,” dagdag niya.Ipinahayag ito ng Pangulo matapos siyang muling magbiro kamakailan hinggil sa pagdukot at pagpapahirap sa mga state auditors dahil sa pagkakabalam ng mga proyekto ng gobyerno.

Eleksyon

'Bloodbath impeachment’ na bet ni VP Sara, pinalagan ni De Lima: 'Mindless arrogance!'

Nadismaya ang Pangulo sa Commission on Audit (CoA) sa mabagal na pagde-deliver ng public services, dahil sa mga inilalabas na audit circular ng komisyon.

-Genalyn D. Kabiling