Naniniwala ang isang Quiapo Church official na mas mabilis ang Traslacion ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Sinabi ito ni Quiapo Church Parochial Vicar Fr Danichi Hui matapos banggitin kung paano agad nailipat ng mga miyembro ng Hijos Del Nazareno ang imahen mula sa altar ng Quirino Grandstand sa andas.
"Unlike in previous years, the stage was not mobbed by the devotees," sinabi niya sa panayam.
Aniya, ang introduction ng “Devotee’s Pledge”, kung saan hiniling sa mga deboto na mangakong susundin ang mga patakaran para sa mga deboto, at tumulong na makamit ang kapayapaan sa kasagsagan ng prusisyon, ay maaaring nakatulong dito.
"This is one way to calm them down and make the devotees stay where they are. This enabled us to quickly and properly make the transfer," aniya.
Ang introduction of the prayer stations sa kahabaan ng ruta noong nakaraang taon ay isa pang dahilan kung bakit agad na nilisan ng prusisyon ang Quirino Grandstand.
"Before it was difficult for the procession to come out because of the huge volume of people here," ani Hui.
"Now its not that congested because based on the information we have been receiving, many are just waiting in prayer stations for the procession to pass through there," dagdag niya.
Tumagal ng 22 oras ang Traslacion noong nakaraang taon.
1,000 DEBOTO NASAKTAN
Katulad ng inaasahan, mahigit 1,000 deboto ang nasaktan, nasugatan, nahilo at dumanas ng iba’t ibang problema, gaya ng alta-presyon.
Sa tala ng Philippine Red Cross (PRC), sa ganap na 3:00 ng hapon ay nasa 850 pasyente ang kanilang nilapatan ng lunas.
Kabilang dito ang 565 indibiduwal na isinailalim sa blood pressure monitoring, 224 pasyente ang nagtamo ng minor cases at walo ang major cases, na nakaranas ng hirap sa paghinga, nahilo, nahimatay, nasugatan, nagalusan, nagkapasa, sumakit ang ngipin, nagka-sprain, nagka-fracture at iba pa.
Limampu umano sa mga pasyente ang nangailangan ng psychosocial support at tatlong pasyente pa ang kinailangang isugod sa medical center upang doon lapatan ng lunas.
-LESLIE ANN G. AQUINO at MARY ANN SANTIAGO