NEVER naming nakitang umiyak sa national television si Luis Manzano until we watched I Can See Your Voice’s farewell episode recently.

Luis copy

Special guest si Gary Valenciano, at lalong nagging memorable ang pamamaalam ng show nang makipag-duet siyakay Dan Monsirat, na hindi sintunado kundi a real singer. Bato na lang ang puso ng hindi naantig sa pambihirang blending ng kanilang mga boses. It was a very touching performance between an icon at isang baguhan.

“Masarap para sa singer na katulad ko na mapakinggan ang isang young singer tulad ni Dan na bigyang-buhay at sabayan ako sa pag-awit ng Sana Maulit Muli,” sabi ni Gary. “He did it beautifully at sarili niyang version.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Contender si Dan sa “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime at proud na proud siya sa pambihirang pagkakataong maka-duet ang Mr. Pure Energy.

Malaking tulong na para sa pamilya ni Dan ang napanalunan niyang P15,000.Sa kanyang pamamaalam sa show, nangingilid ang luhang sinabi ni Luis:

“This is not good bye. We are just taking a rest.”

Kumpleto ang hosts, gaya nina Angeline Quinto at Andrew E, na umakyat sa stage for a group photo at teary eyed din na tulad ni Luis.

Regarding Luis, sa pagtatapos ng I Can See Your Voice ay two hosting jobs naman ang kaagad na ipapalit para sa kanya: Ang Minute To Win It at World Dance Philippines.

-Remy Umerez