Naglabas ang Department of Justice (DoJ) ng immigration lookout bulletin order (ILBO) laban kina Daraga Mayor Carlwyn Baldo at walong iba pa na iniuugnay sa pagpatay kay Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe at sa kanyang police escort na si SPO2 Orlando Diaz noong Disyembre 22, 2018.

Sa ILBO, inaatasan ang Bureau of Immigration (BI) na makipag-ugnayan at humingi ng tulong sa National Prosecution Service (NPS), National Bureau of Investigation (NBI) at ibang mga ahensiya upang masubaybayan ang mga suspek.

Bukod kay Baldo, ang iba pang mga suspek na nasa ILBO ay sina Emmanuel Rosillo, Jaywin Babor, Danilo Muella, Henry Yuzon, Gilbert Concepcion, Agaton Concepcion Christopher Cabrera Naval, at Emmanuel Judavar.

Sa paunang imbestigasyon, si Baldo ang itinuturo bilang mastermind sa pagpatay kay Batocabe, na nakatakdang tumakbo bilang mayor sa May 2019 election.

-Mina Navarro

Panibagong round ng rollback, aarangkada sa Abril 28!