Hindi man nakaisa, ipinakita naman ng Philippine Azkals ang kanilang determinasyon na piloting magwagi sa sa kanilang laban, ngunit sadyang hindi sapat ang lakas ng mga ito upang igupo ang Powerhouse na kalabang South Korea sa 1-0 pagkabigo sa kanilang paghaharap sa 2019 AFC Asian Cup Opener na ginanap sa Al-Maktoum Stadium in Dubai, Lunes ng gabi sa Manila.

Dinomina ng South Korea ang takbo ng labanan sa first half pa lamang, kung saan siniguro na lahat ng ball possessions ay sa kanilang panig, bagama’t nagpakita ng magandang depensa ang mga Pinoy matapos na panatilihing 0-0 ang iskor sa pagwawakas ng unang 45 minuto ng laro.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Azkals sa huling bahagi ng first half, kung saan naharangan ni Javier Patino ang tira ni Daisuke Sato na siyang isa sa pinakamagandang attempt ng mga Pinoy sa nasabing laro.

Patuloy na dumepensa ang Azkals at pinilit na kontrolin ang tempo ng laro sa second half kung saan muling nagpakitang gilas si Patiño at kaunti na lamang at makakapuntos na sana para sa koponan.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Ngunit nabasa agad ng South Korea ang depensa ng mga Pinoy sa ika 67th minuto kung saan nagpakawala ng tira si Hwang Uijo buhat sa loob patungo sa top left corner para sa isang conversion para sa koponan.

Muling nadomina ng 2015 runner up ng Asian Cup ang laro at hindi hinayaang makalusot ang Azkals para sa kanilang unang talong puntos para sa torneo.

Ito naman ang pinakdikit na laban ng Azkals sa kanilang unang pagsabak sa Asian Cup fixture, ngunit isang karangalan pa rin gayung muntik na nilang magapi sang Powerhouse Team ng South Korea.

Mataas ang momentum ngf mga PInoy pagkatapos ng nasabing laro at inaasahang mas tataas pa sa kanilang pagharap sa China PR ngayong daratin gna Biyernes nagaganapin sa Mohammed Bin Zayed Stadium sa Abu Dhabi.

-Annie Abad