IPINAGKIBIT-balikat na lang ni Kris Aquino ang tungkol sa pagpapakita ng suporta ni Gretchen Barretto kay Nicko Falcis, dahil tinatanaw niyang utang na loob ang pagpapakita noon ni Gretchen ng suporta sa kanyang ina na si dating Cory Aquino.

Kris at Gretchen

Last January 5, Saturday, ipinost ni Gretchen sa Instagram ang isang artikulo mula sa PEP, na naglalahad sa official statement ni Nicko tungkol sa mga kasong isinampa ni Kris laban dito.

Si Nicko ang dating managing d i r e c t o r n g d i g i t a l c o m p a n y n i Kr i s n a Kris Aquino Co j u a n g c o Productions (KCAP), na sinampahan ng TV host-actress ng 44 counts ng qualified theft last October 12, 2018.

AC Bonifacio, cool na sinagot basher na nagsabing mamatay na siya

Ang 35-year-old finance whiz din ang nagsilbing talent manager at endorsement closer ni Kris sa loob ng 18 months.

Sa post ni Gretchen, sinabi n i y a n g n a p a b i l i b s i y a s a katapangang ipinakita ni Nicko sa pagpupursigeng linisin ang pangalan nito sa kabila ng banta sa sariling buhay.

Sa comments section ng isang post ni Kris sa IG nang araw din na iyon, s i n a g o t niya ang follower niyang may handle name na @aishteru_kyoskite na nagbanggit sa nasabing isyu.

Ayon kay Kris, dedma na lang siya sa komento ni Gretchen bilang pasasalamat sa pangangampanya nito para sa kanyang ina noong 1986.

“@aishteru_kyoskite in this issue I shall choose to look back on the year 1986. @gretchenbarretto may dislike me now, but she campaigned for my mom against the Marcoses,” sagot ni Kris.

Pinayuhan din ni Kris ang nasabing follower na kumalma lang at huwag nang patulan at palakihin pa ang isyu.

“Dedma na sa pagtingin niya sa ‘kin. I have stated this time & again—I can look beyond insults against me because it’s part of the territory. But if my mother is treated with respect and my sons weren’t hurt, I am chill. So if I can be chill, maybe all of you should

-ADOR V. SALUTA