Aminado si Blackwater coach Bong Ramos na napilayan ang kanyang koponan sa pagkawala sa kanyang roster nina JP Erram at Paul Zamar na napunta sa koponan ng NLEX at San Miguel Beer.

Ang magiging kapalaran ng kanyang koponan sa darating na 2018 Governors’ Cup ng PBA ay nakasalalay ngayon sa pamalit na player na gaya ng UP Maroons sensation na si Paul Desiderio.

Ayon kay Ramos, na kumpiyansa siya na mapupunan ng dating Team Captian ng UP Maroons na si Desiderio ang nawalang posisyon na Zamar sa kanyang koponan.

“I know mapupunanan naman ni Desiderio yung posisyon ni [Paul] Zama. It’s just a matter of adjusting yung mga tao ko, swing ko na lang muna yung iba,” ayon kay Ramos.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Nakuha ng NLEX sa fourth draft si Desiderio, bago ibinigay ito sa Blackwater na inaasahang makakapagpuno sa posisyon ni Zamar sa pagsabak ng koponan ngayong 2019 season ng PBA.

Sinabi ni Ramos na magagamit niya si Desiderio kahit hindi man umano 100 porsyento sa ngayon, dahil nga sa rookie pa ito ay naniniwala naman umnao siya sa kakayanan ng nasabing manlalaro.

Kabilang sa mga nakuha ng Blackwater ay si Abu Tratter, ang no. 7 pick, at ang dating La Salle na inaasahan din niya na makakapagbigay ng magandang puntos para sa koponan.

Kasama sa pagbabago sa Blackwater ang pagsali ni Romel Adducul sa coaching staff ng koponan.

“Susulitin ko na yung dating ni Romel dito. Agresibo yung bata, very athletic. Sinabi ko naman sa kanya ang role niya is get the rebound, play defense, and run,” ayon pa kay Ramos.

-Annie Abad