Kinumpirma ni Sen. Erwin Tulfo ang presensya ng 18 "ex-Marines" sa Senado kasama si Atty. Levi Baligod ngayong Lunes, Hunyo 8.
Sa pulong ng Blue Ribbon Committee, sinabi ni Sen. Erwin na bagama’t nasa Senado ang 18 “ex-Marines” at si Atty. Levi, hindi umano dadalo ang mga binanggit sa consultative meeting na pinamumuan niya.
"Nagpahayag na po sila na hindi po sila bababa rito bagkus sila po ay bisita ni Sen. Robin Padilla," saad ni Sen. Erwin.
Matatandaang bago pa man ito, lumiham na si Sen. Alan Peter Cayetano kay Atty. Levi Baligod para sabihing hindi umano awtorisado ng kanilang opisina ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee ni Sen. Erwin.
Samantala, nilinaw naman ni Sen. Kiko Pangilinan sa mismong pulong ng Blue Ribbon Committee nito ring Lunes, na mas angkop umanong tawaging “consultative meeting” kaysa “hearing” ang ginagawa ng komite ni Sen. Erwin.
Ito ay bilang respeto umano sa kanilang mga kapuwa senador.
Maki-Balita: Sen. Kiko, nilinaw na 'di hearing ang ginagawa ng BRC ni Sen. Erwin