June 08, 2026

Home BALITA Probinsya

DSWD, inihanda 1.1M food packs, 80k NFIs para sa mga apektado ng magnitude 7.8 na lindol

DSWD, inihanda 1.1M food packs, 80k NFIs para sa mga apektado ng magnitude 7.8 na lindol
Photo courtesy: DSWD/FB


Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sila ay kasalukuyang naka-red alert at handang sumaklolo para sa mga residenteng naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani nitong Lunes, Hunyo 8.

Batay sa pahayag na ibinahagi ng DSWD, aabot sa mahigit 1.1 milyong family food packs (FFFs) at 80,172 non-food items (NFIs) ang kasalukuyang nakaimbak sa warehouses sa Mindanao, upang masiguro na mabilis na maipapamahagi ang mga tulong sa apektadong lugar at komunidad.

“Nananatili ring nakaantabay ang Kagawaran para magbigay ng karagdagang suporta sa mga local government units (LGUs) para sa anumang kinakailangang relief operations, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking agad na naaabot ng tulong ang mga pamilyang nangangailangan sa panahon ng sakuna,” saad pa ng DSWD.

Samantala, iniulat naman ng Philippine Red Cross (PRC) nito ring Lunes, Hunyo 8, na sila ay naka-full alert kaugnay sa naganap na insidente sa Sarangani at mga karatig-lalawigan nito.

“The Philippine Red Cross remains on full alert following the Magnitude 7.8 earthquake west of General Santos,” saad ng Philippine Red Cross.

“As part of its immediate response, 17 Red Cross volunteers have been activated while ambulances were deployed in North Cotabato, South Cotabato, and Gingoog City to assist affected communities and monitor the situation on the ground,” dagdag pa nila.

MAKI-BALITA: Philippine Red Cross, naka-full alert matapos ang paglindol sa Sarangani

Suspendido na rin ang klase sa mga apektadong lugar ng lindol, batay na rin sa direktibang ibinaba ni PBBM.

MAKI-BALITA: First day of classes, naantala: PBBM, sinuspinde klase sa apektado ng magnitude 7.0 sa Mindanao-Balita