MAPAPANOOD na sa wakas ang original series ni Ria Atayde na may titulong High, sa iWant ASAP Show, sa ganap na 11:30AM hanggang 2:30PM.

Ria copy

Matagal nang ikinuwento ni Ria ang original series na idinirek ni Dondon Santos at kasama niya sina Sammie Rimando at Marcus Paterson. Tinatanong namin sa aktres kung ano ang kuwento pero hindi niya kami sinagot. Siguro mas magandang panoorin na lang para may surprise.

Tanda namin ay excited si Ria nang ikuwento niya ang first title role series niya, at the same time ay kabado siya, dahil nga sa magiging reaksiyon ng tao dahil nga baguhan siya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Susme Ria, ngayon ka pa ba kakabahan, eh, halos lahat ng Maalaala Mo Kaya episodes mo ay pawang positibo ang feedback?! Considering na baguhan ka sa unang MMK mo, pero maganda na ang reviews na natanggap mo.

Ang daming nagsabi na mabigyan lang ng tamang materyal si Ria ay tiyak na uusbong siya nang husto. Itong High na kaya iyon, na mapapanood na ngayong tanghali sa IWant.ph?

Break a leg, Ria! Alam naman naming kaya-kayang mo.

-Reggee Bonoan