7 p.m. – Pasig vs Quezon City

9 p.m. – Muntinlupa vs Pasay

Muling aarangkada ang labanan sa MPBL Datu Cup ngayong araw na ito kung saan unang sasalang para sa taong 2019 ang mga koponan ng Muntinlupa kontra Pasay sa main game na gaganapin sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna ganap na als-9 ng gabi.

Kasalukuyang tangan ng Muntinlupa ang 10-5 record at nasa ikalawang puwesto sa southern division ng nasabing torneo na inorganisa ni Manny Pacquiao at PBA legend na ngayon ay kumisyuner ng liga na si Kenneth Duremdes.

Huling nakasilat ng panalo Muntinlupa Cagers, matapos na pataobin ang tropa ng mga Kabitenyo ang Imus Bandera sa 80-74 panalo sa kanilang naging huling sagupaan noong 2018.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Sa kabilang banda, ay nasa ika labing isang puwesto naman ang Pasay sa kanilang 6-12 record at naghahangad na makabawi sa muling pagbubukas ng nasabing labanan.

Samantala, mauunang magsagupa ganap na alas7 ng gabi ang koponan ng Quezon City, at Pasig sa unang laro.

Naipanalo ng Quezon City ang kanilang huling tatlong laro para maiangat ang kanilang record sa 6-8, habang ang Pasig naman ay may 2-14 record matapos ang limang sunod na pagkatalo.

-Annie Abad