Muling sasagupa ang walang talong si Filipino featherweight John Leon Dato laban kay Josefat Vasquez ng Mexico sa Enero 11 sa Chumash Casino, Santa Ynez, California sa United States.

Inaasahang magaang tatalunin ni Dato sa kanyang unang 6-round bout si Vasquez na galing sa limang sunod na pagkatalo pawang sa knockouts.

May kartada si Dato na 8-0-1 win-loss-draw na may 5 pagwawagi sa knockouts at huling tinalo si Mexican Guadalupe Arroyo sa 4-round unanimous decision noong nakaraang Disyembre 8 sa La Puente, California.

Sa Enero 26 naman sa Toyota Center, Houston, Texas, nakatakdang muling lumaban si two-time world title challenger Mercito Gesta ngunit hindi pa inihahayag ni Golden Boy Promotions bis boss Oscar dela Hoya kung sino ang kanyang karibal sa ring.

Huling lumaban si Gesta, nakatalang No. 5 contender kay WBO lightweight champion Visiliy Lomachenco ng Ukraine, noong Hunyo 14, 2018 na natamo niya ang WBO NABO lightweight belt sa pagtalo sa puntos kay Mexican American Robert Manzanarez sa 10-round bout sa Fantasy Springs Casino, Indio, California.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

May kartada si Gesta na 32-2-2- win-loss-draw at natalo lamang sa puntos kina ex-IBF lightweight champion Miguel Vasquez ng Mexico noong 2012 at dating WBA lightweight titlist Jorge Linares ng Venezuela noong Enero, 27, 2018.

-Gilbert Espeña