Kahit maulan, dinagsa ng libu-libong deboto ang tradisyunal na Thanksgiving procession para sa Mahal na Poong Nazareno sa Quiapo, Maynila kahapon.
Dakong 12:00 ng hatinggabi ng Lunes nang simulan ang prusisyon, na umikot sa paligid ng Quiapo.
Suot ang kanilang mga maroon T-shirt na maroon na may imahe ng Nazareno, hindi inalintana ng mga deboto ang malakas at walang tigil na ulan, at nakayapak silang sumama sa prusisyon.
Dakong 9:40 na ng umaga kahapon nang tuluyang maibalik sa Minor Basilica ng Quiapo ang imahe ng Poong Nazareno, na sinalubong ng masigabong palakpakan ng mga deboto.
Naging maayos at mapayapa naman sa kabuuan ang prusisyon, na bantay-sarado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD).
Nabatid na ang taunang Thanksgiving procession ay hudyat nang pagsisimula ng siyam na araw na novena para sa Poong Nazareno, bilang preparasyon sa nalalapit na kapistahan nito sa susunod na Miyerkules, Enero 9.
-Mary Ann Santiago