Binatikos ng mga human rights advocates at iba pang cause-oriented groups si Pangulong Duterte sa pagkukuwento nito kamakailan na hinipuan umano niya ang kanilang kasambahay noong siya ay binatilyo pa lang, at inakusahan ng attempted rape at pagsusulong ng sexual abuse.

Kilala ang Presidente sa kanyang mga pahayag tungkol sa kababaihan, partikular na ang kanyang mga biro tungkol sa rape at pambababae.

Nitong Sabado, ikinuwento ni Duterte sa harap ng mga benepisyaryo ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa Kidapawan City nang ikumpisal niya sa isang pari noong siya ay high school student pa ang pagpasok niya sa silid ng kanilang kasambahay habang tulog ito.

“I lifted the blanket. I tried to touch what was inside the panty. I was touching. She woke up. So I left the room,” ani Duterte.

Eleksyon

Ai Ai Delas Alas, suportado si Benhur Abalos

Aniya, ikinumpisal niya sa pari na minsan pa siyang bumalik sa kuwarto ng kasambahay at inulit ang kanyang ginawa.

“Rape does not happen only through penile insertion. If it is a finger or an object it is considered rape,” sabi ni Joms Salvador, secretary general ng Gabriela.

“He is truly a sick man,” sabi naman ni ACT Party-list Rep. France Castro.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na gawa-gawa lang ng Pangulo ang sinabi nito para malibang ang mga nakikinig.

“He has made up a laughable anecdote to dramatize the fact of sexual abuse that was inflicted on him and his fellow students when they were in high school,” ani Panelo.

Sa kaparehong seremonya, muling tinuligsa ni Duterte ang Simbahang Katoliko sa mga alegasyon ng seksuwal na pang-aabuso sa mga bata.

-Chito A. Chavez