Sugatan ang isang 12-anyos na lalaki matapos na maputukan ng five star, habang inaresto naman ang babaeng nagbenta ng nasabing paputok sa kanya, Malabon City, nitong Linggo ng hapon.

Dinala sa Ospital ng Malabon si Allen Ablaza, ng Barangay Taniong, Malabon, makaraang masugatan sa kaliwang kamay at noo.

Sa report ng pulisya, bandang 3:00 ng hapon at nagpapaputok ng five star ang bata sa labas ng kanyang bahay nang hindi nito kaagad naihagis ang sinindihang paputok kaya naputukan ito sa kamay at kaagad na isinugod sa ospital ng mga magulang nito.

Nagtungo sa ospital si SPO1 Jimmy Maglisay, ng Police Community Precinct (PCP)-6 at inusisa ang bata kung saan nito binili ang five star, kaya sinabi itinuro ng paslit si Rose Reyes, 40, ng Bgy. Taniong.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Pinuntahan ng mga pulis ang tindahan ni Reyes at inaresto ito, habang isinuko naman ni Benjie Buco, live-in partner ni Reyes ang 87 piraso ng five star na kanilang paninda.

-Orly L. Barcala