TORONTO (AP) — Pinataob ng Toronto Raptors ang Chicago Bulls sa 95-89 panalo Linggo ng gabi, (Lunes ng umaga, oras sa Maynila) matapos na magtuwang sina Kawhi Leonard na tumipa ng 27 points at si Pascal Siakam na may 20 points at 12 rebounds.

Binalikat ni Kawhi Leonard ang Toronto Raptors sa pagsagupa kontra Chicago Bulls kung saan pinataob nito ang huli 95-89, upang maakabawi sa huling pagbigo kontra Orlando

Binalikat ni Kawhi Leonard ang Toronto Raptors sa pagsagupa kontra Chicago Bulls kung saan pinataob nito ang huli 95-89, upang maakabawi sa huling pagbigo kontra Orlando

Isang malaking pagbawi ito para sa Raptors gayung galing sila sa pagkabigo sa 29 puntos na panalo ng Orlando noong nakaraang Sabado ng umaga (oras sa Maynila).

Buhat sa 68-65 kalamangan, sa pagsisimula ng fourth quarter, isang back-to-back three pointer ang agad na ipinukol ni Delon Wright at Siakam na nagbigay ng 74-65 kalamangan sa huling 10:10 ng laro.

Hindi naman agad nagpabaya ang Bulls, kung saan isang hook shot ang itinugon ni Wendell Carter Jr. sa nalabing 8:412 ng labanan ngunit 12 sa unang 15 pukol ang sinayang ng Bulls sa kalagitnaan ng huling quarter.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Nakapukol naman ng tres si Lauri Markkanen sa nalabing 1:21 ng laro upang dumikit nang bahagya sa Chicago sa 82-85 paghabol, ngunit hindi hinayaan ni Leonard na muling makabawi ang Bulls kung saan umagalawa na ito sa matapos na ibuslo ang foul shot na kanyang nakuha. Kasunod naman ng free throws pa rin ni Siakam sa huling 25 segundo ng labanan.

Nakatuwang nina Leonard at Siakam sina Danny Green at Fred VanVleet na may tig-10 puntos para sa panalonmg ito ng Raptors.

Tumipa naman ng 18 puntos si Markkanen para sa Bulls na may kasanag 10 rebounds habang si Carter naman ay may naiambag na 16 puntos.

Nalaglag ang Bulls sa kanilang 5-8 win-loss slate bunsod ng nasabing pagkabigo sa ilalim nang pamumuno ni coach Jim Boylen.