Bulagta ang isang empleyado ng Antipolo City Hall nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nagpapatrulya sa tapat ng isang palengke sa Antipolo City, Rizal nitong Sabado.

Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Bernard Sanchez, nasa hustong gulang, at tauhan ng Office of Public Safety and Security ng Antipolo.

Sa ulat ng Antipolo City Police, nagpapatrulya si Sanchez at ang kasamahang si Arwind Tadem sa tapat ng CMA public market sa Oralia Road, Barangay Dela Paz nang barilin ng suspek ang biktima, bandang 9:05 ng umaga.

-Mary Ann Santiago
National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!