Nasa P300,000 halaga ng gamit at cash ng kanyang magulang ang nakuha mula sa isang 14-anyos na babae na nabiktima ng ‘Dugo-Dugo’ gang sa Maynila, nitong Sabado.

Ayon sa ina ng biktima, Disyembre 29 nang tinawagan ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang kanyang anak sa kanilang bahay sa Quezon City habang wala sila.

Sinabi umano ng mga suspek sa biktima na naaksidente ang kanyang ina at kailangan ng tulong.

Isa pa umano sa mga suspek ang nagpanggap na ina ng biktima at inutusan ang bata na kunin ang pera at mga gamit sa kanilang cabinet.

Eleksyon

Bong Go, nanguna sa senatorial survey ng SWS

Matapos sundin ng biktima ang bilin ng inakalang ina, agad siyang umalis ng bahay at nakipagkita sa mga suspek sa Quezon Boulevard sa Quiapo, bandang 1:34 ng hapon.

Nalaman lang ng dalagita na naloko siya nang makausap niya ang tunay na ina at sabihing nasa bahay na ito.

-Ria Fernandez