PINANGUNAHAN nina Christian Aristorenas ng San Pablo City at Precious Nicole Lasin ng San Antonio, Quezon ang mga paboritong kalahok sa pag-arangkada ng pinaka-aabangan na 34th GoldenMind Open at Kiddies chess tournament sa Enero 6 na gaganapin sa second floor Tagumpay Canteen, P. Torres Street tapat ng Lipa City Public Market Parking Building sa Lipa City, Batangas.
Tampok din sina Rafael Jose Buhay ng San Pablo City, Jan kino Corpu, Emerson Estanque, Rigil Pahamtang at Herson Bangay ng Lipa City at Ian John Magbilang ng Alitagta, Batangas.
Nakalaan sa magkakampeon sa Open at Kiddies division ay tig P4,000 plus trophy habang ang second hanggang fifth placers ay tatangap ng tig P2,000 plus medal, P1,000 plus medal, P700 plus medal at P500 plus medal, ayon sa pagkakasunod sa one day tournament na suportado ni Mr. Jonas Punsalan Anciano, executive assistant ni Batangas governor Hermilando “Dodo” Ingco Mandanas kung saan ang nasabing chessfest ay bukas sa lahat ng manlalaro, anuman ang edad at kasarian.
Ang tournament registration fee ay P350 para sa Open division habang sa kiddies category ay P300 para sa member at P400 sa non-member.
Mag call o text kay Golden Mind chess club president Alexandro “Allan” Osena sa 0916-792-2536 at 0939-217-0002 para sa dagdag sa detalye